Bottle feeding piglets
Kapag maraming anak ang inahin, minsan ay may mga maliit at mahina na hindi kayang makipag agawan sa dede ng inahin kaya kinakailangang mag bigay ng alternatibong gatas para maka survive lahat ng biik. Minsan din ay nawawalan ng gatas ang inahin o kayay ayaw mag pa dede. May iba ibang brand ng gatas ang mabibili sa mga feed store. Pero ang subok ko na ay ang brandname na Pork o Milk na may kulay pulang packaging. Mas maganda kung mapa dede padin sa inahin ang biik kahit sa unang araw ng panganganak dahil merong natural na sustansiya ang gatas ng inahin na nakakapag palakas sa mga biik. Padedehin ang biik every 2 hours. Mapapansin mo din na kailangan niya ng dumedede dahil kusa din itong mag iingay kapag nagugutom na. Ilagay din sa may brooder ang biik lalo na kung malamig ang panahon.