Posts

Bottle feeding piglets

Image
Kapag maraming anak ang inahin, minsan ay may mga maliit at mahina na hindi kayang makipag agawan sa dede ng inahin kaya kinakailangang mag bigay ng alternatibong gatas para maka survive lahat ng biik. Minsan din ay nawawalan ng gatas ang inahin o kayay ayaw mag pa dede. May iba ibang brand ng gatas ang mabibili sa mga feed store. Pero ang subok ko na ay ang brandname na Pork o Milk na may kulay pulang packaging. Mas maganda kung mapa dede padin sa inahin ang biik kahit sa unang araw ng panganganak dahil merong natural na sustansiya ang gatas ng inahin na nakakapag palakas sa mga biik. Padedehin ang biik every 2 hours. Mapapansin mo din na kailangan niya ng dumedede dahil kusa din itong mag iingay kapag nagugutom na. Ilagay din sa may brooder ang biik lalo na kung malamig ang panahon.

Cute little pig - baby pig bottle feeding -Pakner Tv

Image

90kls sa loob ng tatlong buwan

Image
Paano natin makakamit ang ganitong timbang sa loob lamang ng tatlong buwan mula ng winalay ang biik. 1. Lahi/Genetics - ito ang pinakamahalaga sa lahat. Ang pinaka mabilis lumaki at bumigat na lahi ay ang mga crossbreed ng f1 at terminal lines. F1 = landrace x largewhite Terminal lines = pietrein , duruc, berkshire, hampshire , pietrein x duruc, hamshire x duruc. 2. FEEDS - ang pag pili ng magandang kalidad ng feeds ay napaka halaga. Ang isang commercial feeds ay kadalasang may tatlong kategorya a. Suprer premium - pinaka mahal pero pinaka magandang kalidad b. Premium - katamtamang presyo at nasa gitnang kalidad c. Low end - pinaka mura ngunit mababang kalidad Malalaman mo ang kategorya nito sa feed tag or sa mismong sako nito. Para makamit ang pinaka mabigat na timbang magandang gamitin ang super premium feeds. 3 Feeding - sa pagpapakain ng ating mga alaga dapat sundin natin ang feeding guide ng ating feeds. Pakainin ang alaga dalawa o tatlong beses sa...

Harvesting fattener pigs - Pakner Tv

Image

Paano makaiwas sa mandarayang buyer

Image
Mga dapat tandaan kapag magbebenta ng baboy upang maiwasan ang mga mandarayang buyer. 1. Mas maganda kung may sariling timbangan. 2. Kung timbangan ng buyer ang gagamitin dapat alam mo ang timbang mo at subukang mag timbang kung pareho 3. Kapag magtitimbang dapat walang naka hawak sa timbangan at walang naka sayad na parte ng baboy sa lupa. 4. Kadalasan ang mandarayang buyer ay grupo , marami sila magkakasama. 5. Ang legit na buyer, kadalasan ay 2-3 tao lang ang kasama. 6.kung sa labas naman mag titimbang dapat ikaw mismo ang mag operate ng timbangan at palayuin ang mga alalay ng buyer sa timbangan. 7. Huwag matakot na ipatigil ang transaksypn kung napapansin mong may ginagawa silang pandaraya.

Bicol hog raisers association : Paano mag timbang ng baboy-Pakner Tv

Image

Paano maiwasan ang pagtatae ng biik

Image
Ang pagtatae ng biik ay maiiwasan kung malinis ang kulungan ng mga alagang biik. Iwasan ding basain ang kanilang kulungan dapat ay may lugar na laging tuyo na kanilang mahihigaan. Ang pag lalagay ng gatungan na lata tuwing tag ulan o malamig ang paahon ay makatutulong upang mapanatili ang mainit na temperatura ng kulungan. Ang pag lalagay ng rice hull ay makaka tulong upang mapanatiling tuyo ang kanilang higaan at nag dadag init sa kanilang pag tulog. Ang pag paligo sa biik ay mas mainam kung sila nasa wastong gulang na 30 days mula ng sila ay nawalay. Depende din sa klima kapag malamig ang panahon bawal silang paliguan. Iwasan din ang biglaang pag palit ng pakain mas mainam kung gradual shifting ang pag papalit. Ang pag bibigay ng vitamins ay makakatulong hupang lumakas ang kanilang resistensya upang labanan ang mga sakit.